pasukan na...
ayos ang aga kong nagising buti at hindi ako tinanghali gaya ng nakagawian ko noong bakasyon.
pasukan na..sa wakas , makakahingi na ulit ng baon kay inay.
Pero teka anong nangyayari? Bakit naman ganito ang sikip dito. ang daming istudyante, wag naman sanang magka stampede, kawawa ako ang payat-payat ko pa naman.
ring ring..ay mali buzz pala. takbuhan ang mga bata, halos magkabangaan na. ang dami kasing tao eh ang liit pa naman ng iskuwelahang yun .
bkit nga ba ang daming tao?
oo nga pala public school lang tong pinasukan ko. ok lang, kesa naman sa wala.
kesa naman tumambay sa bahay, maglaro at kumain,at matulog. atleast may pagkakataon na akong matupad ang pangarap ko balang araw. gusto ko sanang maging Doktor eh, ung nanggamot ng may sakit,(hindi ung kumukuha ng video ha, ayaw ko nun d ako mahilig sa camera eh.Camera shy kasi ako )kaya magaaral akong mabuti para matupad ko ang pangarap ko.
toink.tinawag pala ako ni maam.
ok.sagutan ko daw ung nasa blackboard.saglit akong natigilan, teka san ba ako dadaan dito eh magkakadikit na pla upuan nmin. kaya un namaybay ako sa bawat silya ng mga kamag aaral ko. pasenya na, sa masasagi ko. (ok sabi ni Pedro, matutulog lang naman sya, dahil hindi naman nkatingin si maam)
makalipas ang ilang oras, tagaktak ang pawis ko. pano b namang hindi, 94 kme sa loob ng maliit na classroom na un, wala namang bentilador kahit na isa. tapos ang iingay pa. hindi ako kasali dun ha, mabait ako.
hindi ko tuloy maintindihan ang idinidiscuss ni maam.
kamalas malasan nasa hulihan pa ako nakaupo.
hay buhay..ggaya nalang ako kayPedro ang sarap ng tulog, tulo laway pa.
sigurado namang hindi ako mkikita dito..hihihi
teka, pano ako magging Doktor nyan?
bahala na nga...
ano ba namang magagawa ko.
walang naman akong kasalanan kung bkit dito ako nagaaral.
wala naman akong kasalanan kung bakit lumolobo ang populasyon sa pilipinas
lalong walang ako kinalaman sa kakulangan ng classroom dito noh
at hindi ko din alam kung nasaan na ang napakaraming kabataang nagsunog ng kilay para mging isang guro
wala akong alam dyan ha..narinig ko dati ang ilang mga pangako, pangako ng pagbabago
pero ewan ko ba at hindi ko pa din un natatamasa hanggang ngayon.
ewan ko ba.basta sabi ko wala akong alam..9 years old palang kaya ako.
ikaw may alam ka ba? sabihin mo naman sa akin, baka sakaling maunwaan ko.
kung totoo ba talaga ang kanilang sinasabi o pawang kathang isip lamang gaya nito..