BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS


Get your own Digital Clock

May 26, 2009

Sa muling pagbubukas ng tabing

Nakatanghod sya sa isang kahon ng tinapay doon
subalit ni karampot ay wala syang natikman
samantalang naroon ang isang mabalahibong aso na animo'y bulak sa puti at linis
Isang asong maswerteng nakalasap ng mamahaling
tinapay na kanina pa nya nais matikman

nag abang siyang muli upang makalasap ng muling pagpatak ng tubig
sa gripong yaon na kinalawang na sa tagal ng panahon
1...2....3..tatlong patak na di man lang nakapatid sa uhaw nyang kaluluwa

maghapon ang kanyang pagkayod, panay ang pagmamakaawa sa mga taong nagdaraan
sa wakas may naawa din, may nagbigay ng kaunti barya, subalit merong pa ding nag alipusta at
nanyapak ng kanyang pagkatao...
kahit papaano't malaki laki ang kanyang kinita..
na para lamang isulit sa isang lalaking kalbo, na may matabang tyan at nanlilisik na mga mata

Nakaabang muli sya
na baka mamaya ay may magbukas na tabing
na mabago ang kanyang papel na ginagampanan
na makatakas sa impyernong kulungan na binalutan ng kumikinang na palara upang
maitago ang kabuktutan
Nakaabang sa muling pagsikat na araw at mkita ang kumikinang na bituin sa gabi

Naihanda na nya ang kanyang sarili para sa isang plano
ang makalabas..makatakas at tuluyang mkalaya
1...2...3.. hala oras na ng pagtakas..
hangang sa makarinig na isang kalabog
at muli syang naktulog
ksabay na matitinding palo
ng isang demonyong nabubuhay sa lupa.

May 1, 2009

Tuldok


Matagal tagal din un..

Halos isang buwan ang nkalipas...

At sa muling pagtapak ni Lira sa unibersidad na iyon ay nabuo ang excitement sa kanya.ewan, cguro eh dahil makikita nya muli ang mga kaibigan at kaklase nya, pero nagtaka sya. Dahil nawala na ang dating pagkabog ng dibdib nya sa tuwing mkakaharap nya ang mga matang iyon, mga matang dati'y iniiwasan, sapagkat nakakaramdam sya ng pagkailang.,pagkabalisa, pamumula ng mga pisngi at pagngiti sa tuwing maiisipang tuksuhin sila ng knilang mga kaklase. Isang bagay na ngpapasaya at nagpapalungkot sa kanya. Matagal tagal din nyang nkakakuwentuhan ang kanyang mga kaibigan, na halos prang isang taong hindi nagkitakita habang hinihintay ang release ng knilng clascard.

Samantalng wala pa ring patid ang pagbuhos ng ulan, sa buwan ng abril.

Masaya na si Lira ngayon. Wala na syang itinatagong, lihim at kasabay ng pagkabunyag noo'y pagkawala ng kanyang nrramdaman dito. Salamat nman.H
indi na sya muling aasa, hindi na syang muling mananaginip. Sapagkat wla na ang nooy tinatawag nyang "magical silence" wala na. Marahil ganun lang talaga un. Habang lumilipas ang panahon ay nwawala din ang lahat. lalo't cgurado na syang may totoo ng ngmamahal sa kanya, na hindi nya kailangan mgsumamo upang ibalik ang pagmamahal dahil kusa nya yung matatanggap.
Every body deserves to be happy like Lira. Every body deserves to be love. But of course dapat marunong ka din namang mgmahal.

Habang sya'y naglalakad palabas ng unibersidad na yun ay may natanggap syang txt message.

try it!
Do as instructed before you continue:

u were strolling at a community fair when suddenly you found two familiar faces.
one of them was wearing yellow and the other one is blue. Now put to your mind two persons you know . then think which of them is the one wearing yellow and the one wearing blue.

think first before scroll down






the person in yellow is the one who make you feel sad and the person in blue is the one who makes you happy...

true???


* see post secret