Nakatanghod sya sa isang kahon ng tinapay doon
subalit ni karampot ay wala syang natikman
samantalang naroon ang isang mabalahibong aso na animo'y bulak sa puti at linis
Isang asong maswerteng nakalasap ng mamahaling tinapay na kanina pa nya nais matikman
nag abang siyang muli upang makalasap ng muling pagpatak ng tubig
sa gripong yaon na kinalawang na sa tagal ng panahon
1...2....3..tatlong patak na di man lang nakapatid sa uhaw nyang kaluluwa
maghapon ang kanyang pagkayod, panay ang pagmamakaawa sa mga taong nagdaraan
sa wakas may naawa din, may nagbigay ng kaunti barya, subalit merong pa ding nag alipusta at
nanyapak ng kanyang pagkatao...
kahit papaano't malaki laki ang kanyang kinita..
na para lamang isulit sa isang lalaking kalbo, na may matabang tyan at nanlilisik na mga mata
Nakaabang muli sya
na baka mamaya ay may magbukas na tabing
na mabago ang kanyang papel na ginagampanan
na makatakas sa impyernong kulungan na binalutan ng kumikinang na palara upang
maitago ang kabuktutan
Nakaabang sa muling pagsikat na araw at mkita ang kumikinang na bituin sa gabi
Naihanda na nya ang kanyang sarili para sa isang plano
ang makalabas..makatakas at tuluyang mkalaya
1...2...3.. hala oras na ng pagtakas..
hangang sa makarinig na isang kalabog
at muli syang naktulog
ksabay na matitinding palo
ng isang demonyong nabubuhay sa lupa.
Get your own Digital Clock
May 26, 2009
Sa muling pagbubukas ng tabing
Posted by leley at 5:43 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
kawawa naman ang kinahinatnan niya. pero ito kasi yung realidad di'ba? nangyayari talaga ang mga ganyan.
Nice post leley galing mo rin gumawa ng isang kuwento noh? nkakalibang magbasa thanks
kawawa nga sila.
Post a Comment